learn.microsoft.com - Mga Tuntunin ng Paggamit
Ang mga sumusunod na Tuntunin ng Paggamit (Terms of Use o "TOU") ay nalalapat sa paggamit mo ng website ng Microsoft Learn (https://learn.microsoft.com), Microsoft Learn Profile, at anumang nauugnay na serbisyo. Nakareserba sa Microsoft ang karapatang i- update ang TOU anumang oras nang hindi ka inaabisuhan. Mababasa ang pinakabagong bersyon ng TOU sa pamamagitan ng pag-click sa hypertext link na "Mga Tuntunin ng Paggamit" na nasa ibaba ng aming mga Web page.
Sa pamamagitan ng website ng Microsoft Learn, Microsoft Learn, at mga nauugnay na serbisyo, bibigyan ka ng Microsoft ng access sa iba’t ibang resource, kabilang ang mga interactive na pagsasanay na tutorial, dokumentasyon, video, developer tool, download area, forum ng komunikasyon, at impormasyon ng produkto (sama-samang tinatawag na "Mga Serbisyo"). Ang Mga Serbisyo, kasama ang anumang update, pagpapahusay, bagong feature, at/o ang paglalagay ng anumang bagong Web property, ay napapailalim sa TOU.
Maliban kung iba ang nakasaad, ang Mga Serbisyo ay para sa iyong personal at hindi komersyal na paggamit. Hindi mo puwedeng baguhin, kopyahin, ipamahagi, i-transmit, pampublikong i-display, isagawa, i-reproduce, i-publish, lisensyahan, gawan ng mga hinangong gawa, ilipat, o ibenta ang anumang impormasyon, software, produkto, o serbisyong nakuha mula sa Mga Serbisyo (maliban sa iyong sarili, personal, at hindi komersyal na paggamit) nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa Microsoft. Para sa sarili mong kaligtasan, huwag mag-post ng anumang sensitibong impormasyon, gaya ng mga password, petsa ng kapanganakan, mga numero ng Social Security, mga numero ng pasaporte, impormasyon ng credit card, o pinansyal na impormasyon.
Mahalaga sa amin ang privacy mo. Pakibasa ang Pahayag sa Privacy ng Microsoft (ang "Pahayag sa Privacy") dahil inilalarawan nito ang mga uri ng data na kinokolekta namin mula sa iyo at sa iyong mga device, kung paano namin ginagamit ang data na iyon, at ang mga legal na batayan kung bakit namin kailangang iproseso ang data na iyon. Inilalarawan din ng Pahayag ng Privacy kung paano ginagamit ng Microsoft ang Mga Pagsusumite (ayon sa tinukoy rito), mga komento, mga rating o review ng Mga Serbisyo, mga komunikasyon, mga file, mga litrato, mga dokumento, mga audio, mga digital na gawa, mga livestream, mga video at anumang iba pang content na ina-upload, sino-store, bino-broadcast, o ibinabahagi mo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, (sama-sama tinatawag na "Content Mo"). Kapag nakabatay sa pahintulot mo ang pagpoproseso at hangga’t pinapayagan ito ng batas, sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa Mga Tuntuning ito, pumapayag ka sa pagkolekta, paggamit, at pagbabahagi ng Microsoft ng Content at data Mo ayon sa nakalarawan sa Pahayag sa Privacy. Sa ilang sitwasyon, magbibigay kami ng hiwalay na abiso at hihilingin namin ang iyong pahintulot gaya ng nabanggit sa Pahayag sa Privacy.
Pampublikong Impormasyon at Content ng User: Puwedeng tingnan ng iba ang impormasyon ng user na ibibigay mo (kabilang ang iyong username, display name, larawan ng avatar, biography, titulo mo sa trabaho at organisasyon mo, mga aktibidad mo sa website ng Microsoft Learn, at mga achievement mo bilang user). Kailangan mo lang magbigay ng username at display name para magamit ang Microsoft Learn Profile. Opsyonal ang lahat ng iba pang field. Puwede mong i-update ang iyong username at display name anumang oras. Puwede ring kolektahin at i-display sa publiko ng Microsoft ang petsa ng pagrehistro mo sa Microsoft Learn Profile at ang affiliation mo sa Microsoft.
Puwede ring makita ng iba ang anumang Content na na-post mo sa publiko. Puwede kang mag-delete ng ilang uri ng Content pagkatapos ma-post ang mga ito, pero hindi lahat ng uri ng Content ay puwedeng i-delete pagkatapos ma-post sa publiko ang mga ito.
Ang anumang software na ginawang available na i-download mula sa Mga Serbisyo ("Software") ay naka-copyright na gawa ng Microsoft at/o mga supplier nito. Ang paggamit ng Software ay napapailalim sa mga tuntunin ng kasunduan sa lisensya ng end user, kung mayroon man, na kasama o nakapaloob sa Software ("Kasunduan sa Lisensya"). Hindi makakapag-install ang end user ng anumang Software na may kasama o may nakapaloob na Kasunduan sa Lisensya, maliban kung sasang-ayon muna siya sa mga tuntunin ng Kasunduan sa Lisensya. Ang mga third party script o code, na naka-link o nabanggit sa website na ito, ay lisensyado sa iyo ng mga third party na nagmamay-ari ng naturang code, hindi ng Microsoft.
Ang Software ay ginawang available para sa pag-download para lang sa paggamit ng mga end user alinsunod sa Kasunduan sa Lisensya. Hayagang ipinagbabawal ng batas ang anumang reproduction o redistribution ng Software alinsunod sa Kasunduan sa Lisensya, at puwede itong magresulta sa mabibigat na kaparusahang sibil at kriminal. Uusigin ang mga lumabag sa sukdulang abot na posible.
NANG HINDI NILILIMITAHAN ANG MGA NAUNANG NABANGGIT, HAYAGANG IPINAGBABAWAL ANG PAGKOPYA O REPRODUCTION NG SOFTWARE SA ANUPAMANG SERVER O LOKASYON PARA SA KARAGDAGANG PAGKOPYA O REPRODUCTION, MALIBAN NA LANG KUNG ANG NATURANG PAGKOPYA O REPRODUCTION AY HAYAGANG PINAHIHINTULUTAN NG KASUNDUAN SA LISENSYA NA KASAMA SA NATURANG SOFTWARE.
MAY WARRANTY LANG ANG SOFTWARE, KUNG MAYROON MAN, AYON SA MGA TUNTUNIN NG KASUNDUAN SA LISENSYA. MALIBAN KUNG BINIGYAN NG WARRANTY SA KASUNDUAN SA LISENSYA, DINI-DISCLAIM NG MICROSOFT CORPORATION ANG LAHAT NG WARRANTY AT KONDISYONG MAY KAUGNAYAN SA SOFTWARE, KABILANG ANG LAHAT NG WARRANTY AT KONDISYON NG MERCHANTABILITY, IPINAHAYAG MAN, IPINAHIWATIG O ESTATUTORYO, KAAKMAAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, TITULO, AT HINDI PAGLABAG. PARA SA IYONG KAGINHAWAAN, PUWEDENG GAWING AVAILABLE NG MICROSOFT BILANG BAHAGI NG MGA SERBISYO O SA MGA PRODUKTO NG SOFTWARE NITO, ANG MGA TOOL AT UTILITY PARA SA PAGGAMIT AT/O PAG-DOWNLOAD. HINDI NAGBIBIGAY ANG MICROSOFT NG ANUMANG KATIYAKAN TUNGKOL SA KATUMPAKAN NG MGA RESULTA O OUTPUT NA HANGO SA GANOONG PAGGAMIT NG ANUMANG GANOONG TOOL AT UTILITY. PAKIRESPETO ANG MGA KARAPATAN SA INTELEKTWAL NA PAG-AARI NG IBA KAPAG GINAGAMIT ANG MGA TOOL AT UTILITY NA GINAWANG AVAILABLE SA MGA SERBISYO O SA MGA PRODUKTO NG SOFTWARE NG MICROSOFT.
LEGEND NG MGA LIMITADONG KARAPATAN. Ang anumang Software na dina-download mula sa Mga Serbisyo para sa o sa ngalan ng Estados Unidos, mga ahensya at/o mga instrumentalidad nito ("Pamahalaan ng U.S.), ay pinagkakalooban ng Mga Limitadong Karapatan. Ang paggamit, duplication, o pagbabahagi ng Pamahalaan ng U.S. ay napapailalim sa mga paghihigpit alinsunod sa itinakda sa subparagraph (c)(1)(ii) ng clause na Mga Karapatan sa Teknikal na Data at Computer Software sa DFARS 252.227-7013 o mga subparagraph (c)(1) at (2) ng Komersyal na Computer Software - Mga Pinaghihigpitang Karapatan sa 48 CFR 52.227-19, kung naaangkop. Ang Manufacturer ay Microsoft Corporation, One Microsoft Way, Redmond, WA 98052-6399.
Puwedeng sumasailalim ang ilang dokumentasyon sa mga hayagang tuntunin ng lisensya na hiwalay sa mga tuntuning nakasaad dito. Kung magkakaroon ng salungatan ang mga tuntunin, ang mga hayagang tuntunin sa lisensya ang mananaig. Ibinibigay ang pahintulot na gumamit ng Mga Dokumento (gaya ng mga white paper, press release, datasheet, at FAQ) mula sa Mga Serbisyo, hangga’t (1) ipinapakita ang abiso sa copyright sa ibaba sa lahat ng kopya at parehong ipinapakita ang abiso sa copyright at ang abisong ito sa pahintulot, (2) ang paggamit ng mga naturang Dokumento mula sa Mga Serbisyo ay para lang sa pagbibigay ng impormasyon at para sa personal o hindi komersyal na paggamit at hindi kokopyahin o ipo-post sa anumang network computer o ibo-broadcast sa anumang media, at (3) walang gagawing pagbabago sa anumang Dokumento. Para sa mga akreditadong institusyong pang-edukasyon, gaya ng K-12, mga unibersidad, mga pribado/pampublikong kolehiyo, at mga pang-estadong community college, puwede nilang i-download at i-reproduce ang Mga Dokumento para ipamahagi sa silid-aralan. Ang pamamahagi sa labas ng silid-aralan ay nangangailangan ng hayagang nakasulat na pahintulot. Ang paggamit para sa anupamang layunin ay hayagang ipinagbabawal ng batas, at puwede itong magresulta sa mabibigat na kaparusahang sibil at kriminal. Uusigin ang mga lumabag sa sukdulang abot na posible.
Hindi kasama sa mga dokumentong tinukoy sa itaas ang disenyo o layout ng website ng Microsoft.com o anupamang pagmamay-ari, pinapagana, lisensyado, o kontroladong site ng Microsoft. Ang mga elemento ng mga website ng Microsoft ay protektado ng mga trade dress, trademark, batas sa hindi patas na kumpetisyon, at iba pang batas at hindi puwedeng kopyahin o gayahin, buo man o bahagi lang nito. Hindi puwedeng kopyahin o i-retransmit ang anumang logo, graphic, tunog, o larawan mula sa anumang website ng Microsoft maliban kung hayagang pinahihintulutan ng Microsoft.
HINDI NAGBIBIGAY NG PAHAYAG ANG MICROSOFT AT/O MGA SUPPLIER NITO TUNGKOL SA KAANGKUPAN NG MGA SERBISYO O KAANGKUPAN NG IMPORMASYONG NASA MGA DOKUMENTO AT NAUUGNAY NA GRAPHICS NA NA-PUBLISH BILANG BAHAGI NG MGA SERBISYO PARA SA ANUMANG LAYUNIN. ANG LAHAT NG SERBISYO, DOKUMENTO, AT KAUGNAY NA GRAPHICS AY IBINIBIGAY NANG "AS IS" (BILANG GANOON) NANG WALANG ANUMANG WARRANTY. DINI-DISCLAIM NG MICROSOFT AT/O MGA SUPPLIER NITO ANG LAHAT NG WARRANTY AT KONDISYON KAUGNAY NG MGA SERBISYO, IMPORMASYON, AT MGA NAUUGNAY NA GRAPHICS, KASAMA ANG LAHAT NG WARRANTY AT KONDISYON SA MERCHANTABILITY, IPINAHAYAG MAN, IPINAHIWATIG, O ESTATUTORYO, KAAKMAAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, TITULO, AT HINDI PAGLABAG. HINDI KAILANMAN MANANAGOT ANG MICROSOFT AT/O MGA SUPPLIER NITO PARA SA ANUMANG ESPESYAL, HINDI DIREKTA, O KINAHINATNANG DANYOS O ANUMANG DANYOS NA RESULTA NG HINDI PAGGAMIT, PAGKAWALA NG DATA, O PAGKAWALA NG KITA, SA PAMAMAGITAN MAN NG ASUNTO SA PAGLABAG SA KONTRATA (ACTION OF CONTRACT), KAPABAYAAN, O IBA PANG AKSYONG MAY KAUGNAYAN SA TORT, NA RESULTA NG O MAY KAUGNAYAN SA MGA SERBISYO, KABILANG ANG PAGGAMIT O PAGGANAP NG IMPORMASYONG AVAILABLE MULA SA MGA SERBISYO.
ANG MGA DOKUMENTO AT NAUUGNAY NA GRAPHICS NA NA-PUBLISH SA MGA SERBISYO AY PUWEDENG NAGLALAMAN NG MGA TEKNIKAL NA KAMALIAN O TYPOGRAPHICAL ERROR. PANA-PANAHONG NAGDARAGDAG NG MGA PAGBABAGO SA IMPORMASYON DITO. ANG MICROSOFT AT/O MGA KAUGNAY NA SUPPLIER NITO AY PUWEDENG GUMAWA NG MGA PAGPAPAHUSAY AT/O MGA PAGBABAGO SA (MGA) PRODUKTO AT/O (MGA) PROGRAM NA INILALARAWAN DITO ANUMANG ORAS.
HINDI KAILANMAN MANANAGOT ANG MICROSOFT AT/O MGA SUPPLIER NITO PARA SA ANUMANG ESPESYAL, HINDI DIREKTA, O KINAHINATNANG DANYOS O ANUMANG DANYOS NA RESULTA NG HINDI PAGGAMIT, PAGKAWALA NG DATA, O PAGKAWALA NG KITA, SA PAMAMAGITAN MAN NG ASUNTO SA PAGLABAG SA KONTRATA (ACTION OF CONTRACT), KAPABAYAAN, O IBA PANG AKSYONG MAY KAUGNAYAN SA TORT, NA RESULTA NG O MAY KAUGNAYAN SA PAGGAMIT O PERFORMANCE NG MGA SERBISYO, SOFTWARE, DOKUMENTO, PAGKAKALOOB O HINDI PAGKAKALOOB NG MGA SERBISYO, O IMPORMASYONG AVAILABLE MULA SA MGA SERBISYO.
Puwedeng mangailangan ka ng Microsoft account, Azure Active Directory account, o Microsoft Learn Profile account para ma-access ang ilan sa Mga Serbisyo.
Microsoft Account. Gamit ang Microsoft account mo, puwede kang mag-sign in sa mga produkto, website, at serbisyong ibinibigay ng Microsoft at ilang partner ng Microsoft. Maaari kang gumawa ng account sa Microsoft sa pamamagitan ng pagsa-sign up online. Napapailalim ang mga Microsoft account sa Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Microsoft.
Azure Active Directory Account. Posibleng may account ka na sa Microsoft sa pamamagitan ng isang organisasyon kung saan ka kabilang. Makipag-ugnayan sa administrator ng iyong organisasyon para sa impormasyon tungkol sa account na ito.
Microsoft Learn Profile Account. Sa pamamagitan ng iyong Microsoft Learn Profile account, makakapag-sign in ka sa website ng Microsoft Learn at magagamit mo ang mga nauugnay na serbisyo, kabilang ang libreng access sa mga resource sa pagsasanay, pag-unblock ng mga achievement, pagbibigay ng rating, pagkokomento, pag-post ng content, at paggamit ng iba pang interactive na serbisyo. Puwede kang gumawa ng Microsoft Learn Profile account sa pamamagitan ng paggawa ng username sa Microsoft Learn Profile pagkatapos mag-log in gamit ang isang Microsoft Account o Azure Active Directory Account.
Sumasang-ayon kang huwag gumamit ng anumang mali, hindi tumpak, o mapanlinlang na impormasyon kapag nagsa-sign up para sa iyong Microsoft Learn Profile account. Ikaw lang ang responsable sa pagpapanatili ng kumpidensyalidad ng iyong password at account. Bukod pa rito, ikaw lang ang responsable sa anuman at lahat ng aktibidad na nagaganap sa ilalim ng iyong account. Sumasang-ayon kang abisuhan agad ang Microsoft tungkol sa anumang hindi awtorisadong paggamit sa iyong account o anupamang paglabag sa seguridad. Hindi mananagot ang Microsoft para sa anumang pagkawala na puwede mong maranasan bilang resulta ng paggamit ng ibang tao sa iyong password o account, alam mo man o hindi. Gayunpaman, puwede kang managot para sa mga pagkawalang mararanasan ng Microsoft o iba pang party dahil sa paggamit ng ibang tao sa iyong account o password. Hindi ka puwedeng gumamit ng account ng sinuman kahit kailan, nang wala ang pahintulot ng may-ari ng account.
Kung gagawa ka ng Microsoft Learn Profile account sa ngalan ng isang entity, tulad ng iyong negosyo o employer, kinakatawan mo na mayroon kang legal na awtoridad na ipailalim ang entity na iyon sa Mga Tuntuning ito. Hindi mo maililipat ang mga kredensyal ng iyong Microsoft Learn Profile account sa ibang user o entity. Para protektahan ang iyong account, panatilihing kumpidensyal ang mga detalye ng iyong account. Responsable ka sa lahat ng aktibidad na nagaganap sa ilalim ng iyong Microsoft Learn Profile account.
Puwede mong isara ang iyong Microsoft Learn Profile Account sa pamamagitan ng pag-access sa mga setting ng Microsoft Learn Profile account mo.
Bilang kondisyon sa paggamit mo sa Mga Serbisyo, hindi mo gagamitin ang Mga Serbisyo para sa anumang layunin na labag sa batas o ipinagbabawal ng mga tuntunin, kondisyon, at abisong ito. Hindi mo puwedeng gamitin ang Mga Serbisyo sa anumang paraan na puwedeng makasira, maka-disable, makapagpahirap, o makapagpahina sa anumang server ng Microsoft, o sa (mga) network na nakakonekta sa anumang server ng Microsoft, o makahadlang sa paggamit at pakikinabang ng anupamang party sa anumang Serbisyo. Hindi mo puwedeng subukang makakuha ng hindi awtorisadong access sa anumang Serbisyo, iba pang account, computer system o network na nakakonekta sa anumang server ng Microsoft, o sa alinman sa Mga Serbisyo, sa pamamagitan ng pag-hack, pagmimina ng password, o anupamang paraan. Hindi ka puwedeng makakuha o magtangkang makakuha ng anumang materyal o impormasyon sa pamamagitan ng anumang paraang sinasadyang hindi gawing available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo.
Para matiyak ang digital na kaligtasan ng kung paano nakikipag-ugnayan ang mga user sa isa't isa sa kanilang content at sa kanilang gawi, may mga tuntunin ang Mga Serbisyo tungkol sa kung anong mga uri ng content at gawi ang hindi pinapayagan. Aalisin ang mga ipinagbabawal na content. Puwedeng suspindihin o i-delete ang iyong account sa Mga Serbisyo kung magpo-post ka ng mapaminsalang content.
Hindi namin pinapayagan ang mga content o gawi na nagta-target sa isang tao o grupo sa pamamagitan ng mapang-abusong pagkilos. Kasama rito ang anumang pagkilos na:
- Nangha-harass, naninindak, o nagbabanta sa iba.
- Nananakit ng mga tao sa pamamagitan ng pang-iinsulto o pangmamaliit sa kanila.
- Tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan o interaksyon na hindi kanais-nais, lalo na kung ang pakikipag-ugnayan ay nagiging dahilan para matakot ang isang tao sa injury.
Hindi namin pinapayagan ang pananamantala, pananakit, o pagbabanta ng pananakit sa mga bata sa Mga Serbisyo. Ang CSEA ay anumang content o aktibidad na nakakapanakit o nagbabantang makapanakit sa isang bata sa pamamagitan ng pananamantala, trafficking, pangingikil, o paglalagay sa panganib. Kasama rito ang pagbabahagi ng visual media na naglalaman ng sekswal na content na may bata o nagse-sexualize sa isang bata. Kasama rin sa CSEA ang grooming, o ang hindi naaangkop na interaksyon sa mga bata sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan, pribadong pagmemensahe, o pakikipag-usap sa isang bata para humingi o mag-alok ng pakikipagtalik o sekswal na content, pagbabahagi ng content na sekswal na nagpapahiwatig, at pagpaplano na makipagkita sa isang bata para sa mga sekswal na gawain. Ang isang bata ay sinumang wala pang 18 taong gulang o wala pa sa hustong gulang sa ilalim ng naaangkop na batas.
Awtomatiko naming ide-delete ang Microsoft Learn account ng sinumang user na nagpo-post ng CSEA.
Hindi dapat gamitin ang Mga Serbisyo para makasakit ng mga tao, kabilang ang pakikipagtulungan sa iba para magdulot ng pisikal na pinsala. Hindi pinapayagan ang pakikipagsabwatan o paggawa ng mga partikular na plano kasama ng iba para pagtulungang pisikal na saktan ang isang tao.
Nakakabagabag, mapanakit, o minsan pa nga ay traumatic para sa mga user ang mga content ng karahasan sa totoong buhay.
Hindi namin pinapayagan ang anumang visual na content na nagpo-promote ng karahasan sa totoong buhay o pagdanak ng dugo ng tao.
Puwedeng kasama rito ang mga larawan o video na nagpapakita ng mga sumusunod:
- Mga tunay na malubhang pisikal na pananakit o pagpatay sa isang tao o grupo.
- Marahas na domestic na pang-aabuso sa isang tunay na tao o mga tao.
- Matitinding epekto o pisikal na trauma, gaya ng mga lamang-loob o tissue, sunog na bangkay ng isang tao, mga putol na kamay o paa, o pagpugot ng ulo.
Hindi namin pinapayagan ang mapoot na content na nang-aatake, nang-iinsulto, o nanlalait ng isang tao dahil sa isang protektadong katangian, gaya ng kanilang lahi, etnisidad, kasarian, gender identity, sekswal na oryentasyon, relihiyon, pinagmulang bansa, edad, pagkakaroon ng kapansanan, o caste.
Kasama sa mapoot na pananalita ang mga sumusunod:
- Pag-promote ng mga mapaminsalang stereotype tungkol sa mga tao dahil sa isang protektadong katangian.
- Mga hindi makataong pahayag, gaya ng paghahambing ng isang tao sa hayop o iba pang non-human, dahil sa isang protektadong katangian.
- Paghikayat o pagsuporta sa karahasan sa isang tao dahil sa isang protektadong katangian.
- Panawagang ihiwalay, ibukod, o sindakin ang mga tao dahil sa kanilang protektadong katangian.
- Mga simbolo, logo, o iba pang larawang kinikilala bilang nagpapahayag ng poot o pagiging superyor ng lahi.
Hindi namin pinapayagan ang pagbabahagi ng mga sekswal na maseselang imahe ng isang tao nang wala ang kanyang pahintulot— na tinatawag ding walang pahintulot na maseselang imahe (non-consensual intimate imagery o NCII). Hindi namin pinapayagan ang NCII na maipamahagi sa aming mga serbisyo, at hindi rin namin pinapayagan ang anumang content na pumupuri, sumusuporta, o humihiling ng NCII.
Sa pangkalahatan, kung ang video o imahe ay may mga sumusunod na katangian, itinuturing namin itong NCII:
- Pribado itong kinunan, wala sa isang propesyonal na setting.
- Nagpapakita ito ng sekswal na aktibidad, kahubaran, o sexualized na bahagi ng katawan.
- Hindi sumang-ayon ang taong ipinapakita sa imahe na gawin o ibahagi ang imahe.
Bukod pa rito, hindi pinapayagan ng Microsoft ang anumang banta na magbahagi o mag-publish ng NCII—na tinatawag ding pangingikil kapalit ng maseselang imahe. Kasama rito ang paghingi o pagbabanta sa isang tao na magbigay ng pera, mga imahe, o iba pang bagay na may halaga kapalit ng hindi pagsasapubliko ng NCII.
Hindi namin pinapayagan ang mga tao na gamitin ang mga produkto at serbisyo nito para humiling o mag-alok ng pakikipagtalik, mga sekswal na serbisyo, o sekswal na content kapalit ng pera o anupamang may halaga.
Nagsusumikap kaming alisin ang anumang content tungkol sa pagpapakamatay at pananakit sa sarili na posibleng mapanganib. Alam din naming puwedeng gamitin ng mga tao ang aming mga serbisyo para talakayin ang tungkol sa kalusugan sa pag-iisip, ibahagi ang kanilang mga kuwento, o sumali sa mga grupo ng mga taong apektado rin ng pagpapakamatay o pananakit sa sarili.
Kasama rito ang sumusunod (nang walang limitasyon):
- Pagsuporta sa mga pangkalahatang paraan kung paano puwedeng magpatiwakal ang mga tao, gaya ng pagbaril, pagbibigti, o overdose ng gamot.
- Paghimok sa iba na magpakamatay.
- Pagpapakita ng mga imahe ng totoo o pagtatangkang pagpapakamatay.
- Pagpuri sa iba na namatay dahil sa pagpapatiwakal.
Ang content ng pananakit sa sarili ay nagpapakita, pumupuri, o naghihimok ng pisikal na pananakit sa sarili, kabilang ang paglalaslas, pagpaso, o pagsugat sa sariling balat. Kasama rin dito ang content na humihikayat ng o nagtuturo para magkaroon ng mga problema sa pagkain, o sistematikong pagkain nang sobra o kulang.
Hindi namin pinapayagan ang content na pumupuri o sumusuporta sa mga terorista o mararahas na ekstremista, tumutulong sa kanilang mag-recruit, o humihikayat o nagbibigay-daan sa kanilang mga aktibidad. Tumitingin kami sa Consolidated List ng United Nations Security Council para tumukoy ng mga terorista o grupo ng terorista. Kasama sa mararahas na ekstremista ang mga taong yumayakap sa isang ideolohiya ng karahasan o marahas na poot laban sa ibang grupo.
Ide-delete namin ang Microsoft Learn account ng sinumang user na nagpo-post ng content ng terorismo at marahas na ekstremismo.
Hindi namin pinapayagan ang anumang content na nagtataguyod ng human trafficking. Nagkakaroon ng trafficking kapag may nananamantala ng iba para sa personal na kapakinabangan sa pamamagitan ng pagkakait sa iba ng kanilang mga karapatang pantao.
Kadalasang may tatlong bahagi ang trafficking:
- Pag-recruit, paglipat, pag-relocate, pagbabayad para sa, o pag-abduct ng mga tao.
- Paggamit ng—o pagbabantang gagamit ng—puwersa, mga kasinungalingan, panloloko, o koersyon para isagawa ang mga aktibidad na ito.
- Isinasagawa ang mga aktibidad para sa pera, status, o iba pang uri ng ganansya.
Kasama sa trafficking ang pamimilit sa mga tao na magtrabaho, magpakasal, magsagawa ng sekswal na aktibidad, o sumailalim sa mga medikal na paggamot o operasyon, nang wala ang kanilang pahintulot at hindi ito limitado sa anumang edad o pinagmulan.
Hindi namin pinapahintulutan ang content na humihikayat ng karahasan laban sa iba sa pamamagitan ng mararahas na banta o pang-uudyok.
Ang mga pagbabanta ng karahasan ay mga pananalitang nagpapakita ng partikular na intensyong magdulot ng malubhang pisikal na pananakit sa iba.
Ang pang-uudyok ay materyal na humihikayat, nanunulsol, o malamang na magresulta sa malubhang pisikal na pananakit sa isang tao o grupo.
Hindi rin namin pinapayagan ang pagpuri sa karahasan sa pamamagitan ng content na pumupuri o sumusuporta sa mga tunay na aksyon ng karahasan na nagdudulot ng malubhang pisikal na pananakit sa mga tao o grupo, kabilang ang karahasang nangyari na dati.
Hindi namin pinapayagan ang paggamit sa Mga Serbisyo para gumawa o magbahagi ng hindi naaangkop na content o materyal (kabilang, halimbawa, ang kahubaran, bestiality, pornograpiya, mapanakit na pananalita, graphic na karahasan, pananakit sa sarili, o kriminal na aktibidad).
Hindi namin pinapayagan ang pagmumura o iba pang mapanakit na pananalita.
Hindi namin pinapayagan ang spam o anumang post na nagsasagawa ng phishing o paggawa o pamamahagi ng malware.
Ang spam ay ang hindi kanais-nais o hindi hinihinging maramihang email, posting, contact request, SMS (mga text message), instant message, o katulad na electronic na komunikasyon.
Ang phishing ay pagpapadala ng mga email o iba pang electronic na komunikasyon para mapanloko o ilegal na maitulak ang mga recipient na magbigay ng personal o sensitibong impormasyon para magkaroon ng access sa mga account o record, exfiltration ng mga dokumento o iba pang sensitibong impormasyon, bayad at/o pinansyal na kapakinabangan.
Kasama sa malware ang anumang aktibidad na idinisenyo para magdulot ng teknikal na pinsala, gaya ng paghahatid ng mga mapanirang executable, pag-organisa ng mga denial of service attack, o pamamahala ng mga command and control server.
Hindi namin pinapayagan ang anumang aktibidad na mapanloko, mali, o mapanlinlang (hal., paghingi ng pera sa ilalim ng mga mapanlinlang na pahayag, pagpapanggap bilang ibang tao, paninirang-puri, pagmamanipula ng Mga Serbisyo para madagdagan ang bilang ng pag-play, o makaapekto sa mga ranking, rating, o komento).
Ang Mga Serbisyo ay puwedeng maglaman ng mga serbisyo sa e-mail, serbisyo sa bulletin board, chat area, news group, forum, komunidad, personal na web page, kalendaryo, photo album, file cabinet, at/o iba pang pasilidad para sa pagmemensahe o komunikasyong idinisenyo para bigyang-daan kang makipag-ugnayan sa iba. Sumasang-ayon kang gamitin lang ang Mga Serbisyo para mag-post, magpadala, at tumanggap ng mga mensahe at materyal na tama at, kapag naaangkop, nauugnay sa partikular na Serbisyo. Bilang halimbawa, at hindi bilang limitasyon, sumasang-ayon ka na kapag gumagamit ng Mga Serbisyo, hindi mo gagawin ang mga sumusunod:
- Gamitin ang Mga Serbisyo kaugnay ng mga survey, contest, pyramid scheme, chain letter, junk email, spamming, o anumang duplicative o unsolicited na mensahe (komersyal man o hindi).
- Mag-upload, o kung hindi man ay gawing available, ang mga file na naglalaman ng mga larawan, litrato, software, o iba pang materyal na protektado ng mga batas ng intelektwal na pag-aari, kabilang bilang halimbawa, at hindi bilang limitasyon, ang mga batas sa copyright o trademark (o sa pamamagitan ng mga karapatan sa privacy o publicity) maliban kung pagmamay-ari o kontrolado mo ang mga karapatan sa mga iyon o kung natanggap mo ang lahat ng kinakailangang pahintulot na gawin ang mga iyon.
- Gumamit ng anumang materyal o impormasyon, kasama ang mga larawan o litrato, na ginawang available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo sa anumang paraan na lumalabag sa anumang copyright, trademark, patent, trade secret, o iba pang proprietary na karapatan ng sinuman o anumang party.
- Mag-upload ng mga file na naglalaman ng mga virus, Trojan horse, worm, time bomb, cancelbot, sirang file, o anupamang katulad na software o program na puwedeng makapinsala sa pagpapatakbo ng computer ng iba o property ng iba.
- Mag-advertise o mag-alok na magbenta o bumili ng anumang produkto o serbisyo para sa anumang layuning pangnegosyo, maliban kung partikular na pinapayagan ng Mga Serbisyo ang mga ganitong mensahe.
- Mag-download ng anumang file na na-post ng ibang user ng isang Serbisyo na alam mo, o dapat ay makatuwirang alam mo, na hindi puwedeng legal na i-reproduce, ipakita, isagawa, at/o ipamahagi sa naturang paraan.
- Palsipikahin o i-delete ang anumang impormasyon sa pamamahala sa copyright, gaya ng mga atribusyon sa may-akda, legal o iba pang wastong abiso o mga proprietary na pagtatalaga o mga label ng pinagmulan o source ng software o iba pang materyal na nasa isang file na na-upload.
- Paghigpitan o pigilan ang sinupamang user na gamitin at pakinabangan ang Mga Serbisyo.
- Lumabag sa anumang code of conduct o iba pang alituntunin na puwedeng naaangkop para sa anumang partikular na Serbisyo.
- Mag-harvest o kaya ay mangolekta ng impormasyon tungkol sa iba, kabilang ang mga e-mail address.
- Labagin ang anumang naaangkop na batas o regulasyon.
- Gumawa ng false identity para magsinungaling sa iba.
- Gumamit, mag-download o kung hindi man ay kumopya, o magbigay (may bayad man o wala) sa isang tao o entity ng anumang direktoryo ng mga user ng Mga Serbisyo o iba pang impormasyon ng user o paggamit o anumang bahagi nito.
Walang obligasyon ang Microsoft na subaybayan ang Mga Serbisyo. Gayunpaman, nakalaan sa Microsoft ang karapatang suriin ang mga materyal na naka-post sa Mga Serbisyo at alisin ang anumang materyal sa sarili nitong paghuhusga. Nakalaan sa Microsoft ang karapatang wakasan ang access mo sa anuman o sa lahat ng Serbisyo anumang oras, nang walang abiso, para sa anumang dahilan.
Sa lahat ng oras, nakalaan sa Microsoft ang karapatang magbahagi ng anumang impormasyon na para sa Microsoft ay kinakailangan para sumunod sa anumang nalalapat na batas, regulasyon, legal na proseso, o kahilingan ng pamahalaan, o mag-edit, tumanggi sa pag-post, o mag-alis ng anumang impormasyon o materyal, buo man o bahagi nito, sa sariling paghuhusga ng Microsoft.
Palaging mag-ingat kapag nagbibigay ng anumang personal na nakakapagpakilalang impormasyon tungkol sa iyong sarili o sa iyong mga anak sa anumang Serbisyo. Hindi kinokontrol o ineendorso ng Microsoft ang mga content, mensahe, o impormasyong nasa anumang Serbisyo, at samakatuwid, partikular na dini-disclaim ng Microsoft ang anumang pananagutan kaugnay ng Mga Serbisyo at anumang aksyong resulta ng paglahok mo sa anumang Serbisyo. Hindi awtorisadong mga tagapagsalita ng Microsoft ang mga manager at host, at ang mga pananaw nila ay hindi nangangahulugang pananaw rin ng Microsoft.
Ang mga materyal na na-upload sa Mga Serbisyo ay puwedeng napapailalim sa mga na-post na limitasyon sa paggamit, reproduction, at/o pag-disseminate; responsibilidad mong sundin ang mga naturang limitasyon kung ida-download mo ang mga materyal.
Posibleng nasa Ingles lang ang mga video at eBook. Kung iki-click mo ang mga link, puwede kang i-redirect sa isang website sa U.S. na ang content ay nasa Ingles lang.
Hindi kine-claim ng Microsoft ang pag-aari sa mga materyal na ibinibigay mo sa Microsoft (kabilang ang mga feedback at suhestyon) o pino-post, ina-upload, ini-input, o isinusumite mo sa anumang Serbisyo o sa mga nauugnay nitong serbisyo na makikita ng pangkalahatang publiko, o ng mga miyembro ng anumang pampubliko o pribadong komunidad, (tinatawag na "Pagsusumite" ang bawat isa, at "Mga Pagsusumite" kapag sama-sama). Gayunpaman, sa pamamagitan ng pag-post, pag-upload, pag-input, pagbibigay, o pagsusumite ("Pag-post") ng iyong Pagsusumite, binibigyan mo ang Microsoft, ang mga affiliated na kumpanya nito, at ang mga kinakailangang sublicensee, ng pahintulot na gamitin ang iyong Pagsusumite kaugnay ng pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo sa Internet (kabilang nang walang limitasyon, ang lahat ng Serbisyo ng Microsoft), kabilang nang walang limitasyon, ang mga karapatan sa lisensya para: kopyahin, ipamahagi, i-transmit, pampublikong i-display, pampublikong isagawa, i-reproduce, i-edit, i-translate, at i-reformat ang iyong Pagsusumite; para i-publish ang iyong pangalan kaugnay ng iyong Pagsusumite; at karapatang i-sublicense ang mga naturang karapatan sa anumang supplier ng Mga Serbisyo.
Walang ibibigay na kabayaran kaugnay ng paggamit sa iyong Mga Pagsusumite, ayon sa nakasaad dito. Hindi napapailalim ang Microsoft sa anumang pananagutan hinggil sa pag-post o paggamit ng anumang Pagsusumite na puwede mong ibigay at puwedeng alisin ng Microsoft ang anumang Pagsusumite anumang oras sa sarili nitong pagpapasya.
Sa pamamagitan ng Pag-post ng Pagsusumite, pinatutunayan at kinakatawan mo na pagmamay-ari mo o kung hindi man ay kontrolado mo ang lahat ng karapatan sa iyong Pagsusumite gaya ng inilalarawan sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, kabilang nang walang limitasyon, ang lahat ng karapatang kailangan para maibigay, ma-post, ma-upload, ma-input, o maisumite mo ang Mga Pagsusumite.
Bilang karagdagan sa patunay at representasyong nakasaad sa itaas, sa pamamagitan ng Pag-post ng Pagsusumite na naglalaman ng mga larawan, litrato, o picture o kung hindi man ay ganap o hindi ganap na graphical ("Mga Larawan"), pinatutunayan at kinakatawan mo na (a) ikaw ang may-ari ng copyright ng mga naturang larawan, o na ang may-ari ng copyright ng mga naturang larawan ay nagbigay sa iyo ng pahintulot na gamitin ang mga naturang Larawan o anumang content at/o larawang nasa mga naturang Larawan alinsunod sa paraan at layunin ng iyong paggamit at kung hindi man ay sa paraang pinapahintulutan ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito at ng Mga Serbisyo, (b) mayroon ka ng mga karapatang kinakailangan para ibigay ang mga lisensya at sublicense na inilalarawan sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, at (c) na ang bawat taong inilalarawan sa mga naturang Larawan, kung mayroon man, ay nagbigay ng pahintulot sa paggamit ng Mga Larawan alinsunod sa itinakda sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, kabilang bilang halimbawa, at hindi bilang limitasyon, ang pamamahagi, pampublikong display, at reproduction ng mga naturang Larawan. Sa pamamagitan ng Pag-post ng Mga Larawan, ibinibigay mo (a) sa lahat ng miyembro ng iyong pribadong komunidad (para sa mga Larawang available sa mga miyembro ng naturang pribadong komunidad), at/o (b) sa pangkalahatang publiko (para sa bawat Larawang available kahit saan sa Mga Serbisyo, bukod pa sa isang pribadong komunidad), ang pahintulot na gamitin ang iyong Mga Larawan kaugnay ng paggamit, ayon sa pinahihintulutan ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, ng alinman sa Mga Serbisyo, (kabilang bilang halimbawa, at hindi bilang limitasyon, ang paggawa ng mga print at panregalo na naglalaman ng naturang Mga Larawan), at kabilang nang walang limitasyon, ang isang hindi eksklusibo, pandaigdigan, at walang royalty na lisensya para: kopyahin, ipamahagi, i-transmit, pampublikong i-display, pampublikong isagawa, i-reproduce, i-edit, i-translate, at i-reformat ang iyong mga Larawan nang hindi inilalagay ang iyong pangalan sa naturang Mga Larawan, at karapatang i-sublicense ang mga naturang karapatan sa anumang supplier ng Mga Serbisyo. Wawakasan ang mga lisensyang ipinagkaloob sa mga naunang pangungusap para sa Mga Larawan kapag ganap mo nang naalis ang naturang Mga Larawan sa Mga Serbisyo, hangga’t ang naturang pagwawakas ay hindi makakaapekto sa anumang ibinigay na lisensyang nauugnay sa naturang Mga Larawan bago mo ganap na alisin ang naturang Mga Larawan. Walang ibibigay na kabayaran kaugnay ng paggamit sa iyong Mga Larawan.
Alinsunod sa Title 17, United States Code, Section 512(c)(2), dapat ipadala sa Itinalagang Agent ng Service Provider ang mga abiso tungkol sa mga kine-claim na paglabag sa copyright. HINDI MAKAKATANGGAP NG TUGON ANG LAHAT NG TANONG NA WALANG KAUGNAYAN SA SUMUSUNOD NA PROSESO. Basahin ang Abiso at Proseso ng Paghahain ng Mga Claim ng Paglabag sa Copyright.
ANG MGA LINK SA SERBISYONG ITO AY PUWEDENG MAGDALA SA IYO PALABAS NG SITE NG MICROSOFT. HINDI KONTROLADO NG MICROSOFT ANG MGA NAKA-LINK NA SITE AT HINDI RESPONSABLE ANG MICROSOFT PARA SA MGA CONTENT NG ANUMANG NAKA-LINK NA SITE O ANUMANG LINK NA NASA ISANG NAKA-LINK NA SITE, O ANUMANG PAGBABAGO O UPDATE SA MGA NATURANG SITE. HINDI RESPONSABLE ANG MICROSOFT PARA SA WEBCASTING O ANUPAMANG ANYO NG TRANSMISSION NA NATATANGGAP MULA SA ANUMANG NAKA-LINK NA SITE. IBINIBIGAY LANG SA IYO NG MICROSOFT ANG MGA LINK NA ITO PARA SA KAGINHAWAHAN, AT ANG PAGLALAGAY NG ANUMANG LINK AY HINDI NANGANGAHULUGANG PAG-ENDORSO NG MICROSOFT SA SITE.
HINDI TUMATANGGAP AT HINDI NAGKOKONSIDERA ANG MICROSOFT O ANG ALINMAN SA MGA EMPLEYADO NITO NG MGA HINDI HINIHINGING IDEYA, KABILANG ANG MGA IDEYA PARA SA MGA BAGONG ADVERTISING CAMPAIGN, MGA BAGONG PROMOSYON, BAGONG PRODUKTO O BAGONG TEKNOLOHIYA, MGA PROSESO, MGA MATERYAL, MGA PLANO SA MARKETING, O MGA PANGALAN NG BAGONG PRODUKTO. HUWAG MAGPADALA NG ANUMANG ORIHINAL NA CREATIVE NA ARTWORK, SAMPLE, DEMO, O IBA PANG GAWA. ANG TANGING LAYUNIN NG PATAKARANG ITO AY MAIWASAN ANG ANUMANG POTENSYAL NA HINDI PAGKAKAUNAWAAN O DISPUTE KAPAG MUKHANG MAGKATULAD ANG MGA PRODUKTO O MARKETING STRATEGY NG MICROSOFT SA MGA IDEYANG ISINUMITE SA MICROSOFT. KAYA NAMAN, HUWAG IPADALA SA MICROSOFT O SA SINUMAN SA MICROSOFT ANG MGA SARILING IDEYA NA HINDI HINIHINGI. KUNG, SA KABILA NG KAHILINGAN NAMING HUWAG IPADALA ANG MGA IDEYA AT MATERYAL MO, AY NAGPADALA KA PA RIN NG MGA ITO, PAKITANDAAN NA HINDI NAGBIBIGAY NG KATIYAKAN ANG MICROSOFT NA ITUTURING NA KUMPIDENSYAL O PROPRIETARY ANG MGA IDEYA AT MATERYAL MO.
Maliban kung hayagang nakasaad sa ilalim ng mga TOU na ito, hindi ka binibigyan ng Microsoft ng lisensya o anupamang uri ng karapatan sa ilalim ng anumang patent, know-how, copyright, trade secret, trademark, o iba pang intelektwal na pag-aari na pagmamay-ari o kontrolado ng Microsoft o anumang nauugnay na entity, kabilang ang, pero hindi limitado sa, anumang pangalan, trade dress, logo, o mga katumbas nito. Kung magbibigay ka sa Microsoft ng anumang ideya, proposal, suhestyon, o feedback, kabilang nang walang limitasyon ang mga ideya para sa Mga Serbisyo, bagong produkto, teknolohiya, promosyon, pangalan ng produkto, feedback sa produkto, at pagpapahusay sa produkto ("Feedback"), ibinibigay mo sa Microsoft, nang walang bayad, royalty, o iba pang obligasyon sa iyo, ang karapatang lumikha, gumawa ng mga hinangong gawa, gamitin, ibahagi, at i-commercialize ang iyong Feedback sa anumang paraan at para sa anumang layunin. Hindi ka magbibigay ng Feedback na napapailalim sa isang lisensya kung saan kakailanganin ng Microsoft na lisensyahan ang mga software, teknolohiya o dokumentasyon nito sa anumang third party dahil isinama ng Microsoft ang iyong Feedback sa mga iyon.